Friday, August 29, 2008

An Open Letter To all PHM students :)

Dear PHMers,

It's been a while. Tatlong buwan ko na kayong hindi kasama sa loob ng isang classroom. Hindi katulad dati na araw-araw tayong nagkikita, araw-araw, sabay-sabay tayong napapraning sa dami ng kailangang ipaphotocopy at basahin para sa majors, pero ngayon, isang termino na naman ang kailangang lumipas, at kailangan ko na ring umalis ng La Salle. Nakakalungkot kapag iniisip ko na kailangan ko ng umalis, pero sa kabilang banda, masaya rin, kasi sa labas ng La Salle ko makikita ang produkto ng lahat ng pinaghirapan ko sa ilang taong pag-aaral, pagpupuyat at pagsasakripisyo ko para lang makapasa at makakuha ng mataas na grades. Nalulungkot ako kasi marami akong mamimiss, kayo (alam niyo na kung sino kayo), ang mga profs, ang la salle, at ang mga naging "moments" ko na kasama kayo. Iba ang mundo sa labas ng school, masyadong malawak, at hindi mo alam kung sinu-sino ang mga magiging totoo sa iyo, hindi katulad sa college na malalaman at malalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan.

Pero bago ko ituloy ang pag-eemote, gusto kong sabihin sa inyong lahat na Thank You at Mamimiss ko kayo! Natutuwa ako na kayo ang mga ka-majors ko, yung mga walang halong kaplastican, yung masaya kasama, yung tipong akala mo naglalaro lang sa loob ng classroom. I know, after kong lumabas ng La Salle, hindi na ako makakahanap ng mga katulad niyo.

Sobrang saya ko kapag nagtatanong kayo sa akin ng tungkol sa mga lesson, kasi nararamdaman ko na pinagtitiwalaan niyo ko. God Bless sa lahat ng mga natitira ninyong subjects, lalo na sa mga kukuha ng Filrema, Thesis at OJT, hindi biro ang mga ito, nakakapagod, nakakastress, nakakadrain ng utak, pero go lang kayo ng go, huwag kayong mapagod, basta gawin niyo lang ang mga dapat niyong gawin at siyempre, don't forget to pray dahil sobrang effective ng prayer; kung feeling niyo sobrang down niyo, magdasal ka, although sinasabi ng philosophy na God is a spook and He does not exist, hindi naman totoo yun, since sinasabi na subjective ang faith, lahat ng bagay nagagawa with faith! What you put in your life is what you will harvest in the future! Nasa mantra rin ng tao ang positive at negative na effects. Basta do your best, pray and God will do the rest. God will never leave you empty handed.

Kung maiisa-isa ko lang mga pangalan niyo rito, gagawin ko, pero ayoko kasi na may makalimutan kaya general masyado, ang dami kong gustong sabihin, kung pwede ko lang kayong i-hug ngayon din gagawin ko. Sobrang mamimiss ko kayong lahat. Grateful talaga ako na nakasama ko kayo and I will always remember lahat ng mga dates na nakasama ko kayo.
Sa mga may finals pa, God Bless You.
Sa lahat ng may mga thesis defense, God Bless din!
Basta maniwala lang kayo sa kakayahan niyo; never underestimate yourself, kung mababa ang tingin ng iba sa inyo, it's not your problem, don't take that against you or against them, remember na may kanya-kanyang pagtingin ang mga tao, everyone is unique, minsan, akala mo tama ang impression mo sa isang tao, pero wala naman talagang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng isang indibidwal base lang sa impression, lalo na at hindi mo naman siya kilala; ang best way diyan ay patunayan mo sa mga tao na hindi ka katulad ng iniisip nila.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos