Sunday, June 08, 2008

SINE TOTOO'S "Mga Batang Hiram"

My heart belongs to the media industry, and I would always have the heart and the eyes for watching documentaries written and hosted by multi-awarded and well known journalists like Kara David, Howie Severino, and the rest of the respectable journalists that work for GMA.

Last night, I was able to watch Sine Totoo, featuring Kara David's "Mga Batang Hiram". Nasabi ko sa sarili ko na: ang makapanood, at gumawa ng mga ganitong dokyu ang gusto ko. I will always have the passion for media and I will try my very best to get into that world. When Kara said to Howie Severino that the documentary they maid wasn't really their topic, and that natisod lang sila into that place, I thought that, "THAT" was really meant to be aired so that people could see the real scenario of this country.

LUPANG PANGAKO (in Zambales) was the name of the sitio featured in the documentary, and the school in that place was named also after the sitio - LUPANG PANGAKO ELEMENTARY SCHOOL. The name of the sitio was an irony. First, the place wasn't really a promised land because what you could see was poverty. The children (aetas) do not possess the right to play and go to school and eventually graduate. The documentary, in fact, mentioned that once the aetas learned how to write their name, they could drop out to school and work to help their families - and this was the sad truth.

LUPANG PANGAKO. Kapag grade 1, usually daw ay mga 30 plus ang mga estudyante na pumapasok, pero habang tumatagal, kunwari, grade 2 hanggang 6,nababawasan na ng nababawasan kasi nga kailangan nang tumigil sa pag-aaral ng mga bata para MANGAMUHAN. Minsan daw mga tatlo na lang ang nakakatapos sa pag-aaral.

PANGANGAMUHAN. Ito ang tawag sa tradisyon ng mga aeta kung saan ang mga bata (edad 7-10) ay ipahihiram ng kanilang mga magulang sa mga mayayamang pamilya upang mamasukan bilang katulong pero ang kapalit (madalas) ay ang pagkain, tirahan at edukasyon. Kadalasan, hindi pera ang kabayaran sa mga batang aeta na nangangamuhan kundi ang mga basic needs ng isang tao (pagkain, tirahan) o may pagkakataon din na baka ang pambayad sa isang batang aeta kapalit ng pagtatrabaho niya ng isang taon.

PANGANGAMUHAN. May mga bata na nakatatagal sa pangangamuhan. Mayroon ding hindi. Wala naman kasing magawa ang mga aeta at ito na lang ang kailangan nilang gawin, katwiran nga nila, mas mabuti pang magkalayo sila kesa naman magkakasama nga sila pero pare-pareho naman silang mamamatay sa gutom.

PRAKTIKAL mang pakinggan ang katwiran ng mga aeta, pero isa talaga itong masakit na katotohanan na kailangang tanggapin ng mga Pilipino. Gaano man siguro natin bihisan ang mga sarili natin ng mga signature clothes, o kung anu-ano pa mang mamahaling sapatos, hindi pa rin naman natin maiaalis na nakatira pa rin tayo sa mahirap na bansa.
What we could see in Kara's documentary was only part of this country, but a part could be a representation of the whole. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ang sitwasyon sa buong bansa, pero, kahit hindi man buo, nandoon pa rin yung ideya na, malaking bahagi naman talaga ng Pilipinas ay naghihirap.

What we've discussed in RELSFOR was true: almost 90% ang mga mahihirap sa bansang ito. :(

1 comments:

chel on 3:07 AM said...

is this copied?may nagpost na ng ganitong review sa multiply.haha!lol.sakto ah.parehong-pareho kayo ng words.sino kaya ng nagplagiarize senyong dalawa?

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos