Sunday, April 13, 2008

Thesis | Plano. *isip*isip

Sobrang saya nung kahapon! Sa ilang taon kong pagsusulat, kahapon ako nakatanggap ng pinakamatatamis na salita mula sa isa ring batikang manunulat at sa thesis ko pa! Ang sarap ng pakiramdam!!! Grabe! Hindi ko talaga akalain na ganoon ang sasabihin ni Doc Fanny. Nais kong linawin na hindi ako nagmamayabang, gusto ko lamang ibahagi kung gaano ako kasaya sa mga sinabi niya, ang sabihing kumukutikutitap ang gawa mo - aayyyyyyy, grabe!!! sinong hindi aabot ang ngiti sa bubong ng Yuchengco?!!! Hahahahahaha :)

Idagdag pa ang mga sinabi ni Sir Rhod! Kahit may mga komento siya at mga tanong na talagang napaikot ang utak ko, grabe!!! Grabe!!! Di ko talaga inaakala na ganoon ang sasabihin nila!! WORTH IT ANG LAHAT!!!

SOBRANG PASASALAMAT SA AKING LIFE SAVER!!! SI SIR YNION!! KUNG HINDI DAHIL SA KANYA, HINDI AKO MAKAKAKUHA NG GANOONG GRADE!!!

MA OR HINDI?

Hindi ko alam. Depende. Gusto ko na rin kasi makagraduate at makapagtrabaho! Gusto ko nang simulan ang pag-abot sa aking dream JOB - ang maging isang broadcast journalist! Bata pa lang ako yan na talaga ang gusto ko! Sobra! Kaya siguro hindi ako nakapasa ng Nursing kasi hindi talaga iyon ang gusto kong maging trabaho. Kapag natupad ko ang DREAM JOB ko, grabe!! Kabahagi ng tuwa ko ang mga taong sumusuporta at naniniwala sa akin!





0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos