Thursday, March 13, 2008

Walang White Flag

Sa tuwing naiisip ko ang mga patung-patong na gawain para sa mga subjects ko, hindi ko alam kung saan magsisimula o kung paano ko ba sisimulan. Ang daming kailangang gawin at hindi ko rin alam kung kakasya ang oras. Araw-araw, nagbibiyahe ako mula Cavite hanggang Manila, hindi naman ganoong kalayuan, kaya ng 40 minuto hanggang 1 oras kung walang traffic, pero nakakapagod pa rin magbiyahe, kasi marami rin namang kailangang gawin. Hindi na nga ako nagpapahinga halos, araw-araw na lang kinakailangan kong magpuyat at kaibiganin ang kape dito sa bahay namin para manatiling gising.

Ngayong term ko talaga nararanasan yung mga lowest points, acads, lovelife, at minsan, health pa. Acads dahil hindi nahihirapan talaga ako pero talagang ginagapang ko lahat ng kailangang gawin kahit na hindi na ako matulog. Pero minsan kulang pa rin lahat ng pagpapagod at pagpupuyat ko dahil sumasablay pa rin ako, gusto kong maiyak pero sabi ko, hindi ako susuko, hindi talaga. Lovelife, dahil alam naman ng marami kung gaano ako nalungkot at nasaktan pero pinipilit ko ng mag-move-on. Masaya ako ngayon na hindi ko na siya nakikita at nakakatulong iyon dahil nababawasan yung "hurt". Wala na akong balak alamin kung sino ang babae niya at wala na rin akong balak na sabihin pa sa kanya na nagpalit ako ng number, para saan pa? Magkaibigan pa ba kami? Ni hindi niya ako binabati, tapos sasabihin niya magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Hindi ko ipagkakaila na talagang nasaktan ako, kaya dumidistansiya na rin ako. MAY TULDOK NA ANG LAHAT pagdating sa kanya, kaya nga hindi ko na siya sinabihan ng tungkol sa bago kong number. Wala na naman siyang kailangan sa akin dahil hindi na kami magkaklase. Health naman dahil, laging masakit ang ulo ko, nanlalabo ang mata ko, masakit ang likod ko, nagkakasinat at lagnat ako. Kung hindi lang dahil sa stresstabs, naospital na naman ako!

Ngayon, kailangan ko na namang gumalaw para sa acads ko. Hindi ako susuko!! Hindi ako susuko!!!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos