Friday, March 07, 2008

STOLEN

SOMEONE STOLE my phone last Wednesday! Hindi ko alam kung nagipit lang ba siya o natukso dahil wala siyang phone or baka talagang sakit na ang magnakaw. Kung ano man ang rason niya, hindi ko na iisipin pa dahil hindi ko na inaasahang maibabalik yung phone ko sa kin.

I was with Timmy last Wednesday, dinaanan ko siya sa SJ walk dahil usapan na namin na kakain kami bago kami magkanya-kanya; nilagay ko sa pocket ng shoulder bag yung phone dahil may katext ako at dahil bibili lang naman ako ng pagkain sa z2. Hindi ko inalis sa katawan ko yung bag. Nang iiwan ko na yung gamit ko sa lib (kung saan ako nagpunta matapos kumain), doon ko na napansin na nawawala ang phone ko. Binalikan ko lahat ng lugar na pinuntahan ko, wala! Dumaan na rin ako sa DO, wala rin! Tinawagan kaagad ni Ericka matapos kong sabihin sa kanila na nawala, pero naka OFF na.

That was THE FIRST TIME na mawalan ako ng phone, buti na lang, nandoon sa isang phone ko (na hindi ko dinala sa school) ang lahat ng mga contacts ko. Nanghinayang din ako kasi kahit naman hindi ganoong kamahal yung phone, pera pa din yun, at may unli pa sana siya hanggang ngayong araw, plus may 15 pesos pa yatang Load yun.

KAYA GUYS, INGATAN NYO ANG MGA GAMIT NIYO!!! WAG MAGLALAGAY SA BULSA NG BAG KAHIT NA SUOT OR DALA NIYO YUNG BAG NIYO!!!

PS.
PM or IM niyo na lang sa kin ang mga number niyo just in case hindi ko kayo natext last Wednesday afternoon. Thank You guys and God Bless.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos