Sunday, March 30, 2008

Iloilo

ILOILO - isang probinsiya sa Visayas, kabisera nito ang Iloilo City. Dati, pinag-aaralan ko lang ito, hindi ko nga akalain na isang araw ay mapupuntahan ko ito. Nakatutuwang isipin na narating ko ang isang lugar na dati ay nababasa ko lang sa mga libro ko sa Sibika at Kultura, at siyempre, marami akong natuklasan at natutunan sa mga lugar na pinuntahan namin :)


Day 1: March 28, 2008

Departure at Manila Domestic Airport

kasama ang mga PHM majors

Iloilo Airport



with Master

Maganda yung airport ng Iloilo, hindi hamak na mas maganda kumpara sa Manila Domestic. Bagong gawa lang kasi ang airport nila, sabi ni manong driver (yung naghatid sa amin sa Sarabia Manor), dating nasa city ang airport nila, ni-relocate at ang isang part ng bukirin ay ginawang airport.
Pinagandang version ng NAIA Centennial Terminal ang Iloilo Airport.

Sarabia Manor


with Timmy, sa lobby ng hotel


Miag-Ao: THE YELLOW CHURCH


sa labas ng Miag Ao

yellow church - oo, kulay dilaw ang simbahan :)

Napakahabang biyahe ng Miag ao mula sa Iloilo City. Siguro mga 1 oras o higit pa ang biyahe namin. Ayon kay Sir Ynion, mas matanda pa sa UST ang Miag Ao Church. Kung hindi ako nagkakamali ng dinig, gawa sa limestone at coral ang Miag Ao church.




sa loob

Iloilo Museum


sa labas..



obviously, old jars ang mga ito

more pics to come :)


Magdalena Jalandoni's House



mga estatwa sa labas ng Bahay ni Magdalena Jalandon
i



the poet

MAGDALENA JALANDONI - a celebrated Filipina/Feminist Ilongga poet. Sa FILDISK class namin last term, una kong nabasa ang kanyang pangalan. Sa kanyang isang akda, ipinakita na makatatayong mag-isa ang babae atkakayanin niyang malagpasan ang mga problema o sakit kahit walang lalaki sa kanyang tabi.

Jaro Cathedral



Isang matandang simbahan na rin ang JARO CATHEDRAL, pero mas matanda pa rin ang Miag-Ao kung hindi ako nagkakamali. Sa labas nito, mayroong isang matanda, nanlilimos, kung anu-ano ang mga sinasabi niya, hindi ko maintindihan, siyempre, turista ako at hindi ako nakapagsasalita ng Ilonggo.

Kagaya ng ibang simbahan, may maliit na laruan malapit dito, at nakakatawa yung mga dinosaurs na madadaanan mo, wala akong nakuhang picture, sayang. Natawa ako dahil noon lang naman ako nakakita ng mga dinosaurs sa playground, kasi naman, madalas, puro swing, slide, at least sa Jaro,iba naman.

Day 2: March 29, 2008, GUIMARAS ISLAND


bago umalis sa island


ang magandang tubig-dagat

Maganda ang kulay ng tubig sa Guimaras, makikita mo kung ano ang mayroon sa ilalim nito. Hindi ako nag swimming, hehehehehe, maarte kasi ako - ayokong mangitim at isa pa, ang dami kasing tao at medyo maliit lang ang espasyo sa dagat ng Raymen Beach Resort (kung saan kami nagpunta). Ayoko namang makisiksik sa mga tao :P Pero kung mga 4 pm siguro yon, baka isinuot ko yung swim wear ko. :P

Iloilo City, one SATURDAY AFTERNOON


mula sa 4th floor ng Sarabia Manor

Gusto kong ibahagi sa iba kung ano ang hitsura ng Iloilo kapag hapon. Siguro, sa iba, wala namang ipinagkaiba ang hapon sa Iloilo at sa iba pang lugar, pero para sa akin, mayroon. Iba naman ang karanasan ng tao kapag wala siya sa lugar kung saan siya nakatira. Naging iba ang Iloilo City sa akin dahil ang normal na Sabado para sa akin ay inilalaan ko para sa pag-aaral, pagbabasa at paggawa ng mga school works, in short, dedicated sa present ang normal na Sabado ko, pero noong nasa Iloilo ako, naisip ko na hilig ko talaga ang mag-travel at dahil ito ang hindi ko masyadong nagagawa, ipinangako ko sa sarili ko na maglalakbay ako taun-taon sa iba't ibang lugar. Siyempre, mag-iipon ako para mangyari yon :)

Day 3: Bye Bye Iloilo: Manila & Cavite, I'm Coming Home

8 am na ako nagising!!! Buti hindi kami naiwan ni Timmy!!! Ay naku, nakakaloka talaga, e 8 am aalis ng hotel.

exit na kami sa Iloilo


aerial view ng Iloilo


Nasa Cavite na ako ngayon, balik sa normal na buhay. Bukas, balik Manila ako, papasok ulit, balik sa dating buhay estudyante. Marami akong natutunan sa trip, more than cultural, or religious, or literature, siyempre, LIFE, as in lessons to live through.







0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos