Friday, January 18, 2008

Revelations (tagged by Jackie Uy)

Rules: The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don't forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read yours.

1. I LIKE HORROR MOVIES. I could not explain, pero kapag ako na lang ang gising sa madaling araw, kinakabahan din naman ako, iniisip ko na baka magpakita sa kin yung napanood ko sa movie. Haha. One time, I watched THE SAW (1-3), then noong madaling araw, iniisip ko, paano kung paggising ko, hindi ko na alam kung nasaan ako, and in order to go back home, kailangang ma-outwit ko ang kalaban. Haha.

2. I WANTED TO JOIN LITTLE MISS PHILIPPINES WHEN I WAS A KID. Yes. Hahaha. That was one thing I really really really wanted kasi feeling ko noong bata pa ako, talented ako, but my mom did not allow me. According to her, madalas akong may topak at mahiyain daw ako noong bata kaya hindi niya ako isinali, baka raw kasi kapag nandoon na ako sa stage, bigla na lang akong umiyak at hindi na gumalaw. Hahaha. At dahil diyan sa kagustuhan kong sumali sa Little Miss Philippines, naaksidente ako sa bahay. Kunwari kasi nasa stage ako, so inisip ko na ang stage ko ay iyong plastic chair ko. Nahulog ako doon sa maliit na plastic chair ko at kinailangang matahi ang chin ko. Grabe iyon kasi nararamdaman ko talaga yung paglabas-masok ng karayom sa baba ko. Ouch.

3. I LOVE KEEPING THINGS. Pareho kami ni Jackie. Lahat ng mga binibigay sa akin, tinatago ko talaga, letters, cards, kahit yung mga notes at conversations na nakasulat, tinatago ko lahat! Minsan nga binabasa ko pa rin yung mga letters, cards, notes at conversations, yung kapag gusto kong maalala yung nangyari noong araw na naisulat ang mga 'yon, mahilig din kasi akong magreminisce kaya tinatago ko lahat ng mga iyon. Kahit nga yung mga autograph books ko noong grade school, nakatago pa rin. Nakatago pa rin yung mga test papers ko when I was in grade 2 and grade 5; nasa akin pa irn yung mga quizzes ko noong 4th year sa Physics at Math. Hahahaha. Kaya nga pinagsasabihan ako ni mama kasi ang dami raw papel sa kwarto ko.

4. I LOVE MAYO MIXED WITH CATSUP. Favorite sawsawan ko kapag kumakain ako ng fried. Hehehe. Kahit ano pa yan, fish, porkchop,porksteak, basta may mayo mixed with catsup, okay na!

5. COLLECTING PAPER BAGS.Bumibili ako sa loob ng department stores ng damit kapag walang okasyon, ordinary days lang, kapag gusto kong dagdagan yung mga damit ko for school, pero kapag birthday ko or Christmas, or kapag sina mama at papa ang bumibili sa kin, doon talaga ako bumibili sa mga boutique na may paper bag, hahaha, at tinatago ko yung mga paper bags, hindi ko naman nagagamit lahat, tinatago ko lang talaga ang mga paper bags. :D

6. TROPHY FROM A SINGING CONTEST. Minsan na akong sumali sa singing contest sa school noong grade six. Ewan ko ba kung bakit ako ang isinali. hahahaha. Linggo ng Wika noon at natatandaan ko pa ang kinanta ko - ISANG LAHI. Buti na lang wala akong pictures from that contest, hahahaha, kasi okay na sa akin na maalala ko na lang siya by memory, okay na kung walang pictures kasi gusto kong mahiya noon, hahahaha, feeling ko kasi kailangan pa talaga ng practice. Hahaha. Well, at least, may trophy ako dito sa bahay. Hahaha.

TAGGING:

Vinci Sabater

Marie Syjueco

Trish Alfonso

Moi Espinosa

Liana Igna

Tin Felix

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos