Sunday, January 27, 2008

MAGPAKATOTOO

Hindi ako dapat nag-iinternet ngayon dahil marami akong gagawin, pero dahil gusto kong ibahagi ang sinabi ni Ruth Elynia Mabanglo sa kanyang homepage naisipan ko na ring mag-post dito.



"Kung ibig mo akong makilala,
lumipad ka hanggang utak,
sumisid ka hanggang buto,
umilanglang ka hanggang kaluluwa,
hubad ako roon mula ulo hanggang paa."

" If you wish to know me,
fly up to my brain,
dive deep into my bone,
soar till my soul,
there I am naked from head to sole."

(RUTH ELYNIA MABANGLO)

Umaayon ako sa sinabi niya. Totoo naman na hindi mo makikilala ang isang tao nang masinsinan kung hindi mo siya makikita na hubad mula ulo hanggang paa. Kapag nakakita ka ng taong nakapostura, maaaring hindi pa iyon ang totoo niyang sarili, kaya nga nabuo ang mga terminong "tupperware", "orocan", lahat nang mga iyan, isa lang ang ibig sabihin - PLASTIC!

Bago ako mag-kolehiyo, tinanggal ko na ang mga naging sama ng loob ko sa mga taong hindi ko nagustuhan noong hayskul, naisip ko na walang mabuting maidudulot ang hindi pagiging totoo sa iba, kaya naman humingi ako ng "SORRY" sa mga nagawan ko ng hindi maganda noong hayskul at nakakatuwa naman na maayos na ang lahat ngayon.

Kung iniisip ng mga tao na masyado akong mabait, marahil dahil bumabawi lang ako :)
Kaya kung mabait ako sa iyo ngayon, ibig sabihin, mabait talaga ako sa'yo. Pero noong hayskul, hindi naman ibig sabihin na hindi ako naging totoong tao kailanman. Ngayon, wala talagang peke sa mga ipinapakita ko, kung gusto kitang tulungan, dahil iyon sa gusto kitang tulungan, gusto kong mabuti sa'yo dahil maaaring: kaibigan kita, kaklase kita, kapamilya't kapuso kita (weh, corny!), na maaari ring pumunto sa iisang bagay, mahal kita kasi napalapit ka na sa akin :D Huwag nating bigyang kulay ang salitang mahal sa sinabi ko, mahal dahil kaibigan kita, dahil mabait ka sa akin; hindi mahal bilang more-than-a-friend, kasi kung iyon lang, ayoko munang magsalita ngayon.

Bumalik tayo sa sinabi ni Ruty Elynia Mabanglo, maganda talaga ang sinabi niya, mabuti na lang, binigyan kami ng homework ni Sir Nonon (Carandang). :D Nakakatuwa na marami akong natututunan ngayon, (at least) bago man lang ako umalis ng DLSU (hopefully), marami akong maibabahagi sa mga tao, hindi puro kalokohan lang :P.

Isa lang ang masasabi ko:

Hindi tayo dapat ipakita ang totoong sarili natin, dahil kung talagang tanggap tayo ng mga tao sa ating paligid, hindi sila magbabago sa atin; at:

kung gusto nating kilalanin ang isang tao, bakit hindi natin gawin?

:D

***

Totoo na 'to, gagawin ko na ang mga dapat kong gawin kanina pa, nakatulog kasi ako, hahahaha. Magandang Gabi sa lahat ng makakabasa

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos