Monday, January 07, 2008

First Day :)

NOON: Kailan ka gagraduate?

-> Sa first term

NGAYON: Kailan ka gagraduate?

-> Next term, last term ko na next term, sa OCTOBER NA ang graduation. :)

Simula ngayon ng THIRD TERM, SY 2007-2008, Ang huling term ng pagiging Third Year ko, ay, hindi, may summer pa pala :D Usap-usapan namin kanina kung hanggang kailan na lang kami sa school, siyempre, ang sagot namin ni Timmy - hanggang next term, hopefully, sana matapos namin ang THESIS at walang maging problema sa OJT next term :D

Kanina, nakasalubong ko sa Miguel si Sir Unson (ang aking ever-favorite Philo Professor), nag-hi ako sa kanya, tapos kinamusta niya ako, tinanong niya kung last term ko na ngayon, sabi ko, next term pa, OJT na. Nakakatuwa na naaalala pa niya ako, hehehe, sabagay, twice na niya ako naging student, sa INTPHIL at PHILPER pa 'yon, hehehe. Natutuwa ako kapag may prof na nangangamusta, nakakagaan ng loob :) Sana nga magturo pa siya ng PHILORL next term, hehe, para naman ma-enjoy ko ang last PHILO subject ko, kung hindi nag-offer ang Filipino Department ng elective, kukuhanin ko yung PROPHIL ni Sir Unson, kahit Philo pa yan, hehehehe, kasi isa sa mga favorite ko talaga si Sir Unson, sobrang bait :D

Parang kailan lang kinukuha ko yung mga CRITHIN, ALGE101, FILIPI1, KASPIL1, PEDANCE, PESPORTS,LITERA1, ORIENT1, etc. etc. pero ngayon, ang mga tine-take ko, THSPHM1, FEAWRIT,LITELEC,ELECTIVES 2-4 and soon, OJT at ang mga naiwan kong mga floating (INTRHOP, KASPIL2,INTRECO,PHILORL), plus yung STAT101 and RELSFOR na hopefully ay makuha ko sa summer. Sobrang palasak na ng line na time flies so fast pero totoo, marami sa mga friends ko na last term na ngayon, at ako naman, last term ko na makakasama ang mga PHM majors (exclusive ang mga nakontrata ko ng kasama sa mga floating ko, hehehe)

First day ngayon, pero di ko talaga maiwasang magreminisce. Masaya na malungkot balikan, kasi siyempre, hindi naman maiiwasang maging emotional. Iba naman talaga ang mundo paglabas ng La Salle. Minsan nga, gusto kong mag-regret sa mga nangyari in the past, pero sa tingin ko, wala na rin namang magagawa kung hindi ang itama yung mga hindi magagandang nangyari (wahaw! drama! :D), after all, hindi naman ako matututo kung perfect ang lahat.

Sa ngayon, ang masasabi ko lang, masaya ang first day. I love being with people who are dear to me :D Masaya ako na medyo na-late ako ng pagsisimula ng majors, kasi mas marami akong nakilala. Everything really happens for a reason. :D

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos