Saturday, January 26, 2008

Desisyon

..hindi ko pa nagawa iyon sa ilang taon kong pag-aaral. Hindi ko rin sinasadya na mangyari 'yon, nagkataon lang na may mga bagay isinaalang-alang. Ilang beses ko rin namang inisip 'yon kung gagawin ko nga, hanggang sa kumonsulta naman ako sa mga taong nasa paligid ko, noong nagugulo na ko, si mama na ang tinakbuhan ko..at sinunod ko ang sinabi niya.

Kahapon, ginawa ko ang bagay na 'yon. Hindi ko naman gustong makasakit ng iba, pero kailangan ko lang gawin. Hindi ko naman inakala na yung unang tao (nang mag-majors ako) na nakapalagayang loob ko ang magkakaroon ng sama ng loob sa 'kin (although, inasahan ko na sasama talaga ang loob niya). Sana dumating 'yung time na magiging okay ulit kami ng taong 'yon. Ginawa ko naman ang makakaya ko para maging magalang sa kanya, nagpakatotoo ako, at humingi ng pasensiya. Alam kong hindi madaling kalimutan ang ginawa ko, pero sana, maintindihan niya.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos