Saturday, January 05, 2008

Back to School: Hello Third Term!

Saturday na ngayon, then, Sunday, then, Monday - Back to School! Haaay, tapos na nga ang bakasyon! Ang huli kong bakasyon bago ako magsuot ng toga at magmartsa (well, hopefully!). I will not have a summer vacation because I've decided to enroll sa summer para hindi naman ako full load sa last term ko because I have OJT!

Hindi ko alam kung excited ako (ang labo noh? sarili ko, tapos hindi ko alam. hahahaha), kasi parang gusto kong gayahin si Kor sa pagsasabing, "Feeling ko, hindi pa ako handa.", hahahaha. Pero siyempre, walang magagawa, kailangan nang pumasok, hindi bale, I have a lot of reasons to go to school! Naks! I have my friends, may mga goals na kailangang maisakatuparan, etc. etc. Sisikapin ko na lang maging mabuting estudyante ulit. Hahahaha. Haaaay, sana mas maging maganda naman ang third term ko! :) Goodluck na lang talaga sa akin! Sana wala namang masyadong maging problema ngayong third term, advance pa-birthday na lang sana sa akin! Hahahaha. Ang layo pa ng birthday ko, ilang buwan pa mula ngayon ang April! Hahahaha :))

Anyway, miss ko na rin naman ang mga friends ko, kaya okay na rin kung pumasok na, hindi ko rin naman masyadong nagalaw ang thesis ko, nagproofread lang ako at gumawa ng summary ng mga episodes na gagamitin ko, and speaking of episodes, hindi ko pa pala natatapos yung mga episodes ng Ang Mahiwagang Baul, hahaha, ano ba, ang tamad! Hahaha. Promise, Monday pa lang, manghihiram na ako ng book sa library, para naman hindi ako ma-guilty sa katamaran ko nitong bakasyon. Sabak na sa giyera! Haha. Pero siyempre, hindi ko pa rin makakalimutang mag-enjoy, dahil sabi ko nga ay susulitin ko ang term na to na kasama ang mga friends ko sa PHM, as in, silang lahat! Hahahaha, susulitin ko na kasama ko sila.

Endings are beginnings of beautiful things according sa kantang One Hello (which is one of my favorite!), ending na ng vacation mode, hello DLSU ulit, hello third term, so beginning ng another term, I hope, simula rin ng magagandang bagay :)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos