Friday, December 21, 2007

BABAY NA! :|

Tiningnan ko ulit yung friendster account niya. Sabi ko kay Lord, last na talaga yun, SWEAR! For the last time, tiningnan ko yung friendster niya. Wala lang. Hindi ko na kasi talaga mapigil. Sabi ni Dave, walang duda na mahal ko pa rin siya. Oo, tama siya, pero sabi ko nga, this is unhealthy. Give up na ko talaga. Ilang linggo ko na yang sinasabi. Wala na rin naman kasing patutunguhan. Kaya nga, pag-alis ng 2007, isasama ko na rin yung bitterness ko sa kanya, ganoon kasi ako kapag lumilimot, bitter. Kahit na alam ko na hindi naman dapat kasi hindi naman niya kasalanan na hindi ako mahalin pabalik. Nasira ko na rin naman ang friendship, at hindi ko alam kung paano ulit bubuuin. Siguro bahala na si God, kung mabuo ulit, masaya ako, at least, may natira, may na-save. Pero kung hindi na talaga kami ulit magiging magkaibigan, masaya pa rin ako dahil sa ISANG TAON na 'yun, naging mabuti siyang tao sa'kin.

Isang huling salita para sa kanya: BABAY NA!, hindi na kasi kami magkaklase next term. Hindi ko rin alam kung magkikita pa rin kami. Bahala na. Hanggang doon na lang e, kaya, dapat tanggapin nang buong-buo! Siguro naman, tama yung sinabi ni John Lloyd sa movie nila ni Bea na One More Chance, na kaya may umalis kasi may darating na mas okay,. yung hindi ka sasaktan, hindi ka na paiiyakin.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos