Monday, September 24, 2007

My Christmas Wishlist Part I

Books lang ang mga ito. Kaya Part I lang ang nakalagay sa title dahil hindi pa ito ang kumpletong list. Hehehe.

1. MacArtHur
= kahit na nabasa ko na siya. Pandagdag ko rin sa nagsisimulang koleksyon ko ng books.

2. ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS
= Hindi ko natapos ang book kaya gusto kong magkaroon ng copy :)

3. BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PINOY
= Hindi ko rin natapos basahin. Last few pages na lang pero hindi ko pa rin tinapos, marami kasi akong readings kaya ibinalik ko na kay Monica yung copy niya ng book na 'to.

4. STAINLESS LONGGANISA
= Sa lahat ng books ni Bob Ong, ito ang hindi ko pa talaga nababasa :D

5. YOUNG BLOOD
(LAHAT NG YOUNG BLOOD, HINDI KO SURE KUNG ILAN NA ANG MGA ITO PERO SANA LAHAT MABILI KO, WEHEHEHE. AMBISYOSANG BATA, TSK.TSK.)

6. YOU KNOW YOU'RE A FILIPINO IF
= Nabasa ko na pero gusto kong sagutan yung Checklist para malaman ko kung ilang percent ang pagka-FILIPINO ko :P

7. BAGETS
= Humiram ako ng ganitong book sa lib kanina, pero dahil intro lang ang pakay ko ay ibabalik ko na rin siya, maybe, tomorrow. Hehehe. I want one e, para mabasa ko talaga lahat ng mga nakasulat. Hehehe :P Kapag hiniram kasi medyo tamad ako ng kaunti magbasa, pero kapag akin, siyempre, ibang usapan :P

8. NOVELS PUBLISHED BY SUMMIT MEDIA, Yes, yung mga worth P 150.00, hehehe, like Who Stole My Magic, etc. Hehehe

9. Writing the Nation By Bienvenido Lumbera
= This is a good investment. Kaunti pa lang nababasa ko dito pero I know, sobrang worth it basahin :)

So far, the books listed above pa lang ang mga gusto kong magkaron, siyempre, kapag nakakita pa ako ng iba, ililista ko rin, hehehe.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos