Friday, September 14, 2007

First Week

Iba ang First Week ng term ko, nakakapagod na kaagad. Naranasan ko na hindi mag-internet ng dalawang gabi, mapagkasya ko lang ang oras ng idlip ko at ng pagbabasa. At in fairview naman to me, natapos ko namang basahin ang ilan sa mga dapat kong basahin. Kung dati, wala akong binabasang libro ni Bob Ong, aba! ngayon, makakatlong libro na niya ako! At binabalak ko pang bilhin ang lahat ng libro niya! Nakabili na ako ng ABNKKBSNPLAKo?!, 150 lang naman, dapat bibilhin ko rin yung Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pinoy, kaso kulang ang dala kong pera noon, 200 lang, kaso baka hindi naman ako makauwi kung bibilhin ko, hehe. Kaya noong Wednesday night, inilista ko lahat ng libro niya pati na rin yung book ni Neni Sta. Romana Cruz na You know You're a Filipino if; ang funny, sobra, hehe, ayokong maging spoiler para sa mga hindi pa nakakabasa; basta ayun, Christmas Gift ko na lang sa sarili ko ang mga books, hehe.

Stress reliever talaga ang mga books ni Bob Ong, maliban na lang sa Macarthur (mac-art-hur) dahil seryoso siya; nobela kasi iyon; drama ng buhay ang mababasa mo sa akda niyang iyon.

First week - pero nasa anim na libro na ang nahiram ko sa LIB, pero ibinalik ko na yung isa dahil wala namang relasyon sa topic na naiisip ko para sa thesis.
First week- pero wala pa akong matinong pahinga at palagi akong puyat.
First week - haaay, Iyon lang! :D

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos