Sunday, September 23, 2007

Buhay Ngayong Second Term

Walang pinagbago ang buhay eskwela. Ganoon pa rin- kulang sa tulog, kulang sa pahinga, malaki ang eyebags at parang laging lalagnatin. Buti na lang may stresstabs na sumasalo sa lahat ng pagod at puyat ko.

Ngayong parating na linggo, Third Week na ng term, kung hindi ako nagkakamali. Pakiramdam ko, napakarami nang nangyari. Hindi ko na nga alam kung saan at paano sisimulan. Okay, sige, in random na lang para hindi na ko magkakamali sa order, hehehe :P

1. Approved na ang Thesis topic ko! Si Miss Jovy ang pinili kong mentor, siyempre, siya talaga ang pipiliin ko dahil tinulungan niya ako sa topic :) Thankful din ako kay Sir Ynion dahil napakasupportive niya sa aming mga students niya sa FILREMA :) at thankful din ako sa pasensiya niya sa akin sa pabagu-bagong isip ko (sa aking topic noong una :P)

2. Finally, nakahanap na ako ng Mahiwagang Baul DVD!! Meron sa Astroplus sa SM Manila, meron din sa Odyssey XL SM Bacoor, thanks to Jaymee kasi pumayag siyang tumingin kung meron na sa Cavite, hehehe (love you Jamu girl!! ); kaso dahil sa P 295.00 ang kopya, hindi muna ako bumili, tag-hirap ngayon hehehe, at itatanong ko muna kay Miss Jovy kung anong klaseng mga kwento ang papanoorin ko, dalawang Volume kasi yung DVD ng Mahiwagang Baul.

3. US = COMPLICATED :'(
do I have to elaborate???

4. Nagpunta kami sa National Museum kahapon, fieldtrip namin for FILSTUD! Enjoy naman! Nakakatuwa lang, hehehe, naaalala ko kasi ang LITERA1 ko dahil nagpunta din ako sa museum bilang requirement, pero sa Metropolitan Museum naman along Roxas Boulevard.

5. Marami-pa-akong-gagawin-kaya-tatapusin-ko-muna-ang-entry-ko-byeness-for-now-:)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos