Tuesday, November 21, 2006

School Ulit

Monday: I thought I'd be late. Ang hirap makasakay, ayoko naman magbus dahil halos nasa may pinto na yung mga tao. Haay, nakakainis talaga pag Monday.
Syempre, naiinis na naman ako, dahil may iniwang homework sa ALGE101, ang ayoko pa naman sa lahat, yung word problems, damn talaga kung sino man nagpasimula nun, bakit ba kasi kailangan ng mga komplikadong word problems? e halos naman lahat pwedeng gamitan ng calculator! Boo! Boo Algebra!!! Hindi naman ako math major bakit ba kailangan kong pagdaanan yun? at hindi ko naman siguro kailangang magcompute ng todo sa pinili kong career db? Sino bang tv reporter ang compute ng compute ng mga badtrip na word problems?

Ang sama ko sa FILIPI3, nagpapasagot ako ng survey para sa Filipi2 ko kahit nasa harap na si Sir. E ganun kasi e, wala na akong choice.

Summer Solstice pa rin! I asked my mom to look for Tatarin (movie of Rica Peralejo, Dina Bonnevie, etc), pero wala raw nun, haay nako, nakakbitin kasi, super short lang nung mga scenes na pinapakita ni Miss.

Sinamahan ko si AJ mag-enrol!

Di ako nakapagbasa ng My Brother My executioner, pano nawili ako sa pagsisimula ng scrapbook ko sa GENDERS. 4 am na ko natulog.

TUESDAY: Hindi na naman ako nakaalis ng maaga, but it's okay, nakapg bus naman ako and yun ang goal ko dahil mas tipid. hehe.

Tapos na ang survey sa Filipi2! Presentation na namin sa Thursday! Shux, nakaformal ako! Nyakz!

Happy na naman ako sa GENDERS, magkatabi uli kami. Haaay, kung pwede lang kasi maging classmates uli kami next term, kaso ang tanga tanga ko, sabi ko na nga ba, dapat sumabay na ko kay Jaime ng PHILPER, e di sana, classmates kami next term ni crush sa PHILORL, tapos, next term lang siya magtetake ng LITERA1, ano ba naman yan? Litera2 na ko next term! Haaay!!!! Ano ba? Naiinis ako whenever naiisip ko kung gaano ako katanga na hindi ko pa siya napansin dati. Haaay,malay ko ba naman kasing ganun kabait yung taong yun!!! Naman, heto kinakatakot ko e, hindi pa ako ready maattach sa isang tao dahil katatapos ko lang maggive up and eventually mag move on. Kung pwede ko lang pahabain mga araw, promise ko, magiging super close tayo at kung maibabalik ko lang mga araw, hindi ko na sana kinuha pa yung HISTCIV! para magkasama tayo sa PHILORL!

50 out of 50 ulit ang paper ko. Hindi ko mafeel na masaya ako dahil sa totoo lang, SIYA yung major part ng happiness ko pag TTH at sa next term, di ko na alam kung pano pa ulit magiging masaya ang term ko na hindi ko na siya makikita!

Hindi ko alam kung pano idedescribe yung HISTCIV! Mejo frustrated at nanghihinayang pa ko dahil hindi ko pa kinuha yung PHILPER!


para sa'yo:
naging happy ulit ako dahil sa'yo
pero ikaw din ba ang magiging dahilan para malungkot ako?

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos