Sunday, November 12, 2006

Online Sulat

Feel ko talagang gawan ka ng online sulat (hindi ako stupid, sadyang gusto kong sabihin ang online sulat)
hindi ko alam kung mababasa mo to, kung mabasa mo, isa lang ibig sabihin nun, baka hindi mo na ko kausapin sa GENDERS natin, at nga pala, kung meron mang makakabasa nito na mga classmates ko sa GENDERS, please, wag niyo akong ibuko, sayang ang mga remaining meetings kung hindi ko siya makakausap. hehe.

Seryoso na.
Happy ako kasi mataas na yung paper mo. Happy ako kasi mataas tayo sa paper
no. 6. 45 out of 50;( mahirap kasi talaga ang papers
kay Sir Mike.)
Kung masaya ka, mas masaya siguro ako, kasi, natulungan ka ng paper ko;
natulungan kita.
Ang cheesy nito, pero sa totoo lang, happy ako kasi naging classmate kita
(ang OA talaga oh,kung hindi lang talaga ako nagpapakahonest!),
ikaw raw ang bida sa blog ko ngayon sabi ni RC, pero ano bang magagawa ko kung
ikaw yung gusto kong topic sa blog? Haay nako, ilang meetings na lang tayo sa
GENDERS, nakakinis, gusto ko man patagalin, e di mas dadami ang gagawin natin,
kaw pa naman, sobra na siguro ang puyat mo, nagthethesis kana kasi. Haaay, sana
kasi mas maaga tayo naging close , I mean, sana noon pa
lang, nakakausap na kita. Kasi naman, haaay, bakit ba kasi ang dami dami
kong sinisilayan noon, kainis, bakit kasi hindi noon pa e, kundi pa kita
nakasama sa group, hindi kita maaappreciate. I mean, hindi kita makikilala. ( LAGOT TALAGA PAG NABASA MO 'TO, PERO IMPOSSIBLE NA RIN SIGURO YUN, AS IF NAMAN
MAKIKITA MO ANG BLOG NA TO? and as if naman interested ka sakin.)

Anyway, gusto kong mag thank you sa 'yo, kasi, you're nice, you're a
gentleman, kung meron akong mamahaling tao, gusto ko yung katulad mo.
Simple ka lang. Nabubuhay ka nga na file case lang ang dala mo sa school.
Hehe, joke lang. Kasi ako palaging maraming dala. Hehe. Pero alam mo, nice
ka talaga. Haaay, whatever happens, kung kailanganin mo ng tulong ko in
the future, just in case lang naman; libre naman ang tulong ko, ipagtanong
mo na lang kung pano mo ko macocontact, madali lang naman akong hanapin; palagi
lang ako sa miguel, at kung may vacant, hanapin mo lang ako sa library, sa
cybernook, dun ako madalas.
DI ko alam kung pa'no tatapusin ang online sulat na'to. Ganito na
lang,,ingat ka palagi at sana maging okay na yang thesis niyo. Sana batiin mo pa
rin ako kapag nagkita tayo. =)


ps.
mabasa mo'to (which is very impossible), isipin mo na lang na wala kang nabasa, ayoko na rin kasi ng magulong buhay.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos