Wednesday, October 04, 2006

UAAP, Chris Tiu, JC, Etc.

Well, mas-feel ko ata mag Filipino sa blog na to. Hehe. Bahala na, pag inatake ako ng pagkacoño ko, e di balik na naman sa lengwaheng madalas kong gamitin sa blog. Hehe. Last night, magkachat kami ni JANA napag-usapan namin yung tungkol sa game ng USTE at ADMU , sa totoo lang, ADMU kami ni ja, kahit taga UE siya at ako naman ay sa rival school ng ADMU- LA SALLE. Best friend ko taga USTE pero ADMU pa rin ako, ewan ko nga kung bakit, kasi basta gusto ko silang manalao, period, kaso, heto na:
OCTOBER 2,2006
3 PM
ARANETA
yun ang alam kong start ng game, nakatulog nga ako kaya hindi ko tuloy nasimula, pero, okay lang. PAgbukas ko ng tv, 37-31 yung score in favor of ADMU, e di happy naman ako nun, kasi nga ADMU ako, hindi ko na ma-explain pa ang mga sumunod na pangyayari, ambilis kasi, parang give and take yung pag-score nila, pero ambilis talaga, biglang sunud-sunod yung shoot ng USTE. Hindi talaga ako umaalis sa harap ng tv, super-nood talaga ako, nandun pa naman si Chris Tiu, kaya pag lumalamang ang USTE hinahanap ko na lang si Chris para masaya pa rin. haha. Back to the world, dumating sa point na tie, 4th quarter na yun, tas sa ADMU ang ball, 21 seconds na lang, sabi ko, dapat mag OT para mas tumagal pa ang laro kung hindi makakascore ang ADMU, e di dinaan sa dribbling, tapos ang 21 seconds. ADMU pa rin ako, haay, ayoko nang mag-elaborate kasi hindi ko na rin halos matandaan, basta mga last few seconds ng OT, lamang USTE, haaay nako, alam ko na nun ang mangyayari dahil kailangan pang mag-freethrow ng uste. SO ayun na nga, super hinayang ako kay JC INTAL, ang galing pa naman niya. Todo text naman ako kay Ana, kasi nga ADMU kami tas pareho pa kaming may crush kay CHRIS. Todo text ako kay AJ although wala naman siyang kinakampihan talaga mas feel niya ang ADMU. Tas pinakita na umiiyak si JC, so ako naman, parang ewan, di ko maexplain yung feeling basta parang na-struck ako kasi nga iniisip ko na kung ako nasa shoes ni JC, baka mapaiyak din ako. Heto na, nagtext si Twin, champion kami ata or champion tayo ang text niya tas sabi ko, Twin, ADMU ako e, kasi nasabi ko dati na crush ko si Chester Taylor, pero ngayon, naaadict ata ako kay Chris Tiu, ang cute kasi niya, tas siya na lang usapan namin ni Ja kagabi sa ym tas ni Tin nung last last night.
Haay, ang lungkot.
FOR KATE:
Haaay, ganun nga ata talaga, gasgas na yung sinasabi ko pero wala na kasi akong ibang masabi. Pero at least di ba, pinakita niyong magaling kayo.
Hayaan mo na kung merong mga taong natutuwa na natalo kayo. (nabasa ko kasi sa blog mo.)

CHRIS TIU:
nako, here I am, haha, can't help it, gooossssh, kagabi pa kami ni jana, hehe,
my stat message last night: Chris Tiu! =p HOTcourt HOTheartthrob
man, sinong kokontra?? cute talaga niya, haha, wala na, addict na!
I wanna see him in person, at possible yun kung manonood ako next season ng UAAP.

JC INTAL
star player e! kay kate to, alam ko, hehe, pati si tin, hehe,
ANNOUNCEMENT: yung mga han na may crush kay JC, may pic niya sa mag ko, kunin niyo na lang kung feel niyo, basta akin yung kay Chris Tiu. hehe.

YM:
jana and i were making gaga over chris tiu! haha, natatawa talaga ako pag naaalala ko mga pinag-usapan namin. haha.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos