Sunday, September 03, 2006

Anong Linya ng Buhay mo? (PART I)

Maraming mga bagay na lumilipas na hindi natin mabigyan ng halaga o pansin. Maraming bagay sa mundo na lumilipas at minsa’y bumabalik para malaman mo ang tunay na halaga ng mga ito. Minsan, ang mga bumabalik na alaaala ay masakit, minsan, masayang nakakaiyak. Sa buhay, hindi lahat masaya, hindi rin naman lahat ay malungkot. Kaya nga ang buhay sa aking opinion is a mixture of varied spices. Totoo naman. Kung masaya ka palagi, matututo ka ba mula sa mga kasiyahang iyon? Kung palagi kang malungkot, paano mo mararanasan ang sarap nang mabuhay sa mundong ginagalawan mo?
Sa bakasyong ito, lalo kong naiintindihan at binabalikan ang mga alaala sa aking buhay, at maging sa buhay ng mga taong malalapit sa akin.

I. Sana hindi na matapos ang gabing ‘to. (TETS)

Isang ala-ala mula sa isang taong naging espesyal sa kanya. Sa paglipas ng mga taon, naisip niyang masarap sabihin at ilabas ang mga damdaming matagal din niyang itinago.
Masaya ako para sa’yo friend. Siguro kung may kakayanan lamang akong ibalik sa’yo ang nakaraan, ibibigay ko ang pagkakataong naudlot sa inyong dalawa. Ewan, haaay, pero sa tingin ko, baliktarin man ang mga pangyayari, magiging masaya pa rin kayo sa isa’t isa.

II. I love you Goodbye (C.Dion/Nina)

Para ito sa mga nagmamahalan pero hindi pwede, pero ang ilan sa mga linya ay maaari rin naman sa mga taong nagmamahal at ayaw ipagsiksikan ang kanilang mga sarili.
Isang linyang para sa’yo “ “. Ayokong isipin mong pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa’yo. Kaya nga ako lumayo kasi alam kong hindi ka magiging masaya sa kin at ayokong dagdagan pa ang lungkot ko.

III. Sunshine (Through my Windows) (Gabrielle)

Bez, Beztest, Sis, Besprend, ilan lang yan sa mga tawagan ng mga bestfriends ika nga. Lahat tayo, for sure ay may mga bestfriends, siya lang naman ang taong un among binabalitaan, at sinasabihan ng mga problema mo at kung anong balita sa’yo, siya ang taong makakaintindi sa’yo anuman ang sabihin mo, at siya ang taong pinagsasabihan mo ng mga bagay na hindi mo masabi sa mga magulang mo.
Bez, sobrang namimiss na kita. Ibang-iba talaga ang college kasi hindi tayo magkasama. Imagine, 4 yrs na 5 days in a week, tayo ang magkasama tapos ngayon, haaay, pero di bale alam ko naming nandiyan ka lang parati kahit busy ka may communication pa rin tayo. Love you bezzy!



IV. For all of my life (For Real)

May mga taong mananatiling espesyal o importante sa atin. Maaaring maganda o malungkot ang mga iniwan nila pero ano pa man, ang espesyal at importante ay magiging espesyal at importante pa rin para sa’yo habang buhay.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon, hindi ko pa rin hihilinging hindi tayo nagkakilala, ewan ko, pero hanggang ngayon, special ka pa rin sa kin, at siguro nga forever special ka na, maging sino ka man. Hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit ang daming connections in between us, sa totoo lang, naging friend na rin ang tingin ko sa’yo kahit hindi tayo ganoong nagkakilala, siguro, hindi ko man nasagot sa sarili ko kung ano ba talaga ang purpose mo sa buhay ko, okay lang sa kin, ang sigurado ko naman, special ka na talaga siguro sa kin at mahirap na baguhin iyon.

V. Now and Forever (R. Marx)

Para sa kin, sincere ang kantang to. Sobra.

Minsan, may mga OST nga siguro talaga tayo sa buhay natin, lingid man sa atin ito o wala, at kung ano pa man, sana’y palagi nating iisipin na kung meron mang mga bagay na bumabalik-balik, iyon ay ang mga alaala ng lumipas, malungkot man o masaya.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos