Thursday, July 20, 2006

Filipino Post Again

gusto kong i-express ang post na to sa lengwaheng ginagamit ko at posibleng gagamitin sa trabahong gusto kong gawin, kung hindi man, at least, maaari ko pa ring gamitin ito sa araw-araw. so, heto na ang simula ng post na 'to:

ewan ko ba?! sobrang ewan tong feeling ko, "weird". MAsama ang loob ko sa kanya pero kinukwento ko pa rin siya sa mga friends ko. Sabi ko, I don't care for him anymore pero he's still included in my everyday stories, super monotonous na nga yung mga stories ko, thankful na lang ako at may mga nakikinig. hehe.

sa mga oras na to, nasa cybernook lang ako, walang magawa kaya't nag-eexpress na naman ako ng mga unending thoughts and monotonous feelings ko for him,. I must admit, ganun nga lang siguro ako pag may gusto ako sa isang tao, i don't tell him straght to the point, duh? hindi ako katulad ni gabriela silang noh?!! kung dati, masyado akong obvious pag may crush ako sa isang tao, ngayon, hindi ko naman maipalaiwanag kung ano ang inaarte ko, lalo na kapag nakikita ko siya, yung sobrang hiya, understood yun, yung tipong kinakabahan at parang sobrang uneasy ka sa kinalalagyan mo, pero yung ayaw mo siyang makita at iniiwasan mo pa, weird dba? ewan ko ba, siguro, i'm hurting lang kaya ganito ang kinikilos ko. minsan nga, pinagdarasal ko na sana hindi ko siya makita, weird talaga, mahal ko yung tao pero ayaw ko namang makita, irony right?! haay nako, malamang din kasi, hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos niya, naguguluhan din naman kasi ako sa kanya.

DRAMA MODE: trip ko lang magsenti at magdrama. lahat na yata ng bagay naiaassociate ko sa kanya. palagi ko siyang naaalala. dati, humihingi ako ng signs kay Lord, sabi ko, kung makakakita ako nga_______________________________,_____________________ at may isa pang sign na ayoko nang banggitin dito, ibig sabihin, may pag-asa pa kami it may not be now sa future siguro or kung tama bang i-continue ko ang feelings ko for him, basta, inisip ko, kung bibigyan ako ng sign ni God, ibig sabihin, positive yung ibig niyang sabihin.. so in a way, naniwala ako na baka nga tama yung nafi-feel ko, so tinuloy ko lang, pero there was never a time na inamin ko sa kanya kung ano yung nararamdaman ko, kung nakakahalata siya, bahala siya, basta wala akong sinasabi. Pero after a while, walang nangyari, inisip ko, baka hindi naman totoo yung mga signs, baka talagang nagkataon lang. Ewan ko ba, ngayon ko lang to aaminin sa blog pero few months ago na rin to na tapos, one time, nasa chapel ako, basta nagpepray lang ako, sabi ko, love ko siya, etc. etc. suddenly, naramdaman ko, nangingilid na luha ko, ewan ko ba, naisip ko, siguro, talagang love ko lang siya. Ewan ko kung anong meron siya, hindi siya talagang gwapo, pero he knows how to carry himself well. Kung yun ang pag-uusapan, wala talaga akong maipipintas sa kanya. ang mahirap lang kasi, insensitive siya. sorry for the term, yuna ng tingin ko, or let's just put it this way, nakakaramdam siya ng mga bagay pero he won't mind them at all.

Haay, buhay nga naman. Hindi mo talaga masasabi kung kailan ka magiging masaya.
Pansin ko. masyado ng mahaba 'to. so, pano. i gotta end here.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos