Saturday, March 25, 2006

Magsalita ng Filipino

Haaay, ngayon lang ako magbblog gamit ang lengwahe ng mga pinoy. nakakabaliw na. hindi ko na alam kung pano ako makakasurvive sa linggong parating. Simulan ba naman ng recitation sa INTROSO at tatalakayin ko pa ang mga bagay tungkol sa SEXISM. Kailangan kong gawin dahil kundi, baka 1.0 na ang grado ko sa asignaturang iyon. Martes, ang nakakalokang finals sa pe. SWIMMING ang aking pe. FYI: Hindi ako marunong lumangoy. Ang hirap din nung lagay ko. Pero nakakabuhay pag iniisip kong natagalan ko ang swimming ng isang term. Take Note: Tatlong buwan din yun. Meron din akong mahabng pagsusulit sa KASPIL. Parang KASPIL na lang ang nagpapasaya sa kin, sana nga ay magtuluy-tuloy makakuha man lang ng 3.5 o 4.0 . Haay, samahan mo pa ng ENGLTWO na talagang makasira ng bait at pasensiya. Hindi ko na alam kung pano pipigain ang utak ko para lumabas ang mga impormasyong dapat naming ilagay para makakakuha ng mataas na marka sa aming research. Buti na lang at responsable ang aking partner na si Tel at nakukuha niyang magpasensiya sa kin kahit na minsan ay blangko ang utak ko. Sa Miyerkules naman, kagaya ng dati, may U-BREAK na naman, hiindi ko alam kung nasaan ako sa U-BREAK dahil sa tingin ko, dapat na naming tapusin ang aming papel sa ENGLTWO, kailangan ko kasing umuwi agad sa Huwebes dahil marami akong kailangang pag-aralan at tapusin: CRITHIN, INSTUDI, INSTUDI ULIT . Haay, matapos lang ang linggong parating, medyo maluwag na. Medyo lang ha?!

1 comments:

i AM no superWOMAN on 2:33 PM said...

lol... hahaha

Related Posts with Thumbnails
 

My Open Notebook Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos